mí•ni•mál 1: pinakamaliit o pinakamababà kung sa súkat, ta-gal, at katulad 2: a inilalarawan sa paggamit ng mga anyo at estrukturang simple at elemental b inilalarawan sa pag-uulit ng maiikling parirala o prase
mi•ni•ma•lís•mo 1: praktika o pagtataguyod ng paraang minimal 2: kalakaran sa pagpipinta o eskultura noong mga taóng 1950
mi•ní•ma•líst 1: tao na nagtataguyod o nagsasagawâ ng minimalismo sa sining o musika 2: tao na nagtataguyod ng minor o katamtamang reporma sa politika
ministry (mí•nis•trí) 1: a kagawaran ng pamahalaan na pinamumunuan ng ministro b ang gusaling tinatahanan nitó 2: a bokasyon o propesyon ng isang ministrong panrelihiyon b ang opisina nitó 3: lupon ng mga ministro ng isang pamahalaan o re-lihiyon 4: habà ng panahon ng isang pamahalaan na nâsa ilalim ng Prime Minister
Minoan (mi•nów•an) 1: may kaugnayan sa sibili-sasyon ng Edad Bronse, panguna-hin sa Crete 2: ang mga tao dito o ang wika nitó