- mi•nor•yápng | Pol | [ Esp minoria ]:pangkat o uri na itinuturing na ma-babà o kakaunti sa isang lipunan
- Minos (máy•nos)png | Mit | [ Gri Ing ]:maalamat na hari ng Crete, anak nina Zeus at Europa
- Minotaur (mí•no•tór)png | Mit | [ Gri Ing ]:dambuhalang may katawang gaya ng sa tao at ulo na katulad ng toro, anak ni Pasiphae, at ikinulong ni Minos sa laberinto na gawâ ni Daedalus
- mín•sanpnb1:naganap sa isang pagkakataon2:lubhang madálang3:muli, gaya sa “Minsan mo pang sabihin.”
- min•sá•nanpnb | [ minsan+an ]:lahat sa isang pagkakataon
- min•sá•nanpnr | [ min•sá•nan ]:may bisà para sa marami, hal gamot na lumutas sa maraming peste, o isang bayad para sa maraming utang
- mín•san•do•wâpnb | [ ST ]:minsan o bihira, gaya sa “Minsadowa lámang naparito.”
- míns•trelpng | Mus | [ Ing ]1:noong E-dad Medya, mang-aawit o musiko na umaawit o tumutula2:tao na umaaliw sa mga suki sa pama-magitan ng pag-awit, pagpapatawa, at katulad
- Mín•su•pá•lapng | Heg:pinaikling tawag ng pinagsáma-sámang Min-danao, Sulu, at Palawan
- mintpng | [ Ing ]1:anumang aro-matikong yerba (Menta piperita)2:kendi na idinudulot pagkaraan ng tanghalian o hapunan3:kending nginangata4:gawaan ng sensilyo, salaping papel, at na-tatanging medalya sa ilalim ng pangangasiwa at awtoridad ng pamahalaan
- min•tíspnr | [ Esp mentís ]1:hindi tumama o hindi natupad ang plano2:sumala sa oras o panahon3:hindi tumama sa target4:kung sa paputok o rebentador, hindi pumutok
- min•tùpng | [ Kap ]:tupád1 o pagtu-pád
- minuend (mín•yu•wénd)png | Mat | [ Ing ]:kantidad o bílang na bina-bawasan o pinagbabawasan
- minuet (mí•nyu•wét)png | [ Fre Ing menuet ]1:mabagal na sayaw pambulwagan2:ang musika nitó, o musika sa katulad na ritmo at estilo, karaniwan bílang galaw sa isang suite, sonata, o simponiya
- mi•nú•ngapng | Bot:punongkahoy (Macaranga tanarius) na tumataas nang 4-8 m, may madadálang na bilugang dahon at balakbak na napagkukunan ng pagkit
- minus (máy•nus)pnr | [ Ing ]1:may negatibong bílang o halaga2:may negatibong karga