minus (máy•nus) 1: negatibong kantidad, may simbo-long (–) para sa subtraction 2: sa temperatura, mababà sa zero
minus one (máy•nus wan) 1: pagbabawas ng isa 2: teyp ng musika na walang tinig ng orihinal na mang-aawit
mi•nu•té•ro 1: isa sa tat-long kamay ng relo at nakalaan sa pagtatakda ng minuto ang tungkulin 2: tao na may tungkuling subay-bayan ang paglipas ng minuto
min•ya•tu•rís•mo : estilo ng pagpipinta ng larawang minyatura na nagpapa-malas ng pinakamaliit na detalye, at itinatagò ang anumang bakás ng pinsel
Miocene (mí•yo•sín) : tumu-tukoy sa ikaapat na epoka sa tersi-yaryong panahon sa pagitan ng Oligocene at Pliocene
mí•ra 1: dagtâ na may aromatikong amoy at mula sa isang uri ng palumpong (genus Commiphora) 2: sa Bibliya, isa sa mga iniregalo ng tatlong mago sa batàng si Hesus