mú•si•káng-bá•yan : musika, karaniwang simple at di-kilala ang lumikha, mula sa tradisyong pabigkas, at hinggil sa isang komunidad
mu•si•la•gó : malagkit na likido na napipiga sa ugat ng mga haláman at butó, at ginagamit na gamot o pandikit
musk (mask) 1: mamulá-mulá at kulay tsokolateng substance na nakukuha sa gland ng laláking usa, ginagawang sangkap sa mga pabango 2: haláman (Mimulus moschatus) na may mga dilaw na bulaklak, at mapuputlang lungtiang dahon
musketry (más•ke•trí) 1: kalipunan ng mga musket 2: huk-bo ng mga sundalong may armas na musket 3: kasanayán sa pagha-wak ng musket
muskrat (másk•rat) : malakíng uri ng akwatikong dagâ (Ondatra zibethicus), matatagpuan sa Hilagang Amerika, kahawig ng maliit na beaver, at amoy musk