mutation (myu•téy•syon) 1: ang akto o proseso ng pagbabago 2: pagbabago sa anyo, kalidad, at pagiging likás 3: biglaang pag-babago, gaya ng isang indibidwal mula sa kaniyang magulang at may naiibang katangian dulot ng pag-papalit ng gene o chromosome
mu•tá•tis mu•tan•dís : sa paghahalintulad ng mga bagay, nangangahulugan itong naganap ang mga kailangang pagbabago
mut•hâ : uri ng damo (Cype-rus rotundus) na makapal ang da-hon, may tíla bulbang ugat, at mahirap bunutin
mu•tik•tík 1: kung sa bunga o bulaklak, pagiging hitik na hitik 2: kung sa ka-wan, hal, bubuyog o langgam, pagiging napakarami
mu•tít : hayop (Callosciurus mindanensis) na may pino at matigas na balahibo, at sari-kulay ang katawan