mus•lák 1: may katangian o nagtatanghal ng likás na kapaya-kan; walang muwang 2: may katangian na nagta-tanghal ng kakulangan sa karana-san, pagpapasiya, o kaalaman
mussel (más•el) 1: bi-valve na mollusk (genus Mytilus) na nakatirá sa mga batuhan at naka-kain 2: bivalve na mollusk (genus Margaritifer o Anodonta) na napag-kukunan ng perlas
mustard plaster (más•tard plás•ter) : itim na halò ng mus-tard at goma sa isang solution na inilalagay sa piraso ng tela at naiga-gamot sa katí at iba pang sakít sa balát
mus•tá•sa 1: haláman na kabílang sa pamilyang repolyo na may bulalak (Genera Brassica at Sinapis, family cruciferae), may butóng nakakain, at may uri na gi-nugulay ang dahon 2: bu-tó ng mga halámang ito, pinupulbos at ginagawâng pandikit o pampala-sa
mu•tà : tíla pagkit na bagay na lumalabas sa matá, kara-niwan kapag bagong gising o may impeksiyon sa matá