ma•ka•sa•ri•lí 1: sariling hilig o kapakanan lámang ang iniisip at sinisikap manaig 2: wa-lang malasákit sa ibang tao
Ma•kás•la : ritwal ng pagdiriwang na binubuo ng pagha-handa ng lason sa isda mula sa per-mentasyon ng anim na uri ng gulay na hinaluan ng abo, ng pagbuhos ng naturang likido sa dagat, ng paghuli sa isda, at sinusundan ng masasayang musika, awit, at sayaw
ma•ka•tà 1: tao na lumilikha, bumibigkas, o sumusulat ng tula 2: tao na nagtataglay ng matulaing isipan, imahinasyon, at paglikha, kasáma ang husay sa pagpapa-hayag ng anumang iniisip o nilo-loob
ma•kat•wí•ran 1: batay o alinsunod sa katwiran o lohika 2: kung sa tao, may kakayahang mag-isip ng malinaw, nauunawaan, at sang-ayon sa lohika 3: hindi naniniwala sa hindi napapatunayan sa pamamagitan ng katwiran, lalo na hinggil sa relihiyon o kaugalian 4: hindi absurdo