pambuo ng pandiwa, ginagamit sa paghingi o paghiling ng permiso o pagpayag, hal makiraan, makiabot, makiupô
2:
pambuo ng pandiwa, nagsasaad ng pagpaloob sa isang pangkat, hal makihanay, maki-sáma, makihilera
3:
pambuo ng pan-diwa, nagsasaad ng pagsali , nang isa-han o maramihan tungo sa isang ti-yak na aksiyon, hal makibáka, maki-away, makilarô
4:
pambuo sa pandi-wa, nagsasaad ng panggagaya o pag-tulad, hal makibagay, makiayon
5:
pambuo sa pandiwa, kapag sinasa-máhan ng -pa-, nagsasaad ng kahili-ngan o pagpaloob, hal makipahinga, makipakinig
6:
pambuo sa pandiwa, kapag ikinabit sa -pag-, nagsasaad ng pagsáma sa karamihan at pagganap sa isang aksiyon, hal makipagkíta, makipaglaro, makipag-away
7:
pam-buo sa pandiwa, nagiging makipag-, , subalit may -an, nagsasaad ng pagbabalikan o sabayang aksiyon, hal makipagsulatan, makipagsiga-wan, makipagtawanan
8:
pambuo sa pandiwa, nakabubuo ng makipagpa- mula sa anyong magpa- at nagsasaad ng pagsali o pagpaloob dahil sa pag-kakaroon ng isang bagay na nagawâ, hal makipagpaalis, makipagpagawâ, makipagpabili