ma•ka•lu•mà 1: mahilig o makiling sa paggamit ng lumà o hindi na napapanahon 2: may kaisipan o pananalig na laban sa pagbabago
ma•ka•lu•pà : higit na mahilig sa mga bagay na mater-yal o sa karaniwang búhay kaysa búhay na espiritwal
ma•kán 1: uri ng palay sa tubigan, maganda at mabango, may uring putî ang bigas at may uring may kulay 2: uri ng baboy na malinamnam ang karne kapag iniluto
ma•ká•pag- : pambuo ng pan-diwa, nagsasaad ng pagkakaroon ng pagkakataon, hal makapag-aral, makapagtinda, makapagbili
ma•ká•pag•pá- : mula sa anyong magpa-, nagsasaad ng kakayahan, ng patunay na maganap ang isang hiling, tanong, o utos, o ng pagpa-yag na maganap ang isang aksiyon, hal makapagpatahî, makapagpatu-big
ma•ka•pu•nô 1: bunga ng niyog na may makapal at malambot na lamán na karaniwang ginagawâng minatamis 2: uri ng niyog na may ganitong bunga