mang•ga•ga•wà 1: tao na gumagawâ 2: tao na may mababàng uri ng gawain, lalo na yaong nangangailangan ng pag-gamit ng kamay at pagpapawis 3: sa Marxismo, isa sa uring proletaryado
mang•ga•tsa•púy : malaking punongkahoy (Hopea acuminata), 35 m ang taas at 90 sm ang diya-metro, may dahong habilog, may mga bulaklak na maliit, katutubò sa Filipinas, at karaniwang ginagamit ang kahoy para sa paggawa ng sasakyang-dagat, tulay, at ibang konstruksiyon
mang•gé•ra 1: noong panahon ng Espanyol, baba-eng naglalako ng mangga 2: túbong goma, gaya ng ginagamit sa pagdi-dilig ng haláman