- ma•ngu•lag•yápnd | Psd:manghuli ng maliliit na hipon
- ma•ngu•láy-ongpnd | [ Ilk ]:magutom, tumutukoy sa mga hayop na walang-lamán ang tiyan
- má•ngu•ngu•lim•bátpng | [ mang+ku+ kulimbat ]:tao na nagsasagawâ ng kulimbat
- ma•ngut•ngótpng | Bot | [ ST ]:uri ng maliit na punongkahoy na may taas na anim na talampakan, malagô, may maliliit na dahon, at kahit na ang mga ito ay nangangamoy, gamot naman para sa sakít sa loob ng katawan, nabubúhay lámang sa may tubig-alat
- mang-u•ú•mitpng | [ mang+u+umit ]:tao na nagnanakaw ng mga maliliit na bagay
- Mang•wá•ngapng | Ant:isa sa mga pangkating etniko ng mga Manda-ya
- Mang•yánpng | Ant:pangkalahatang tawag sa mga pangkating etniko na matatagpuan sa Mindoro
- mang•yá•ripnt | [ mang+yari ]1:karani-wang may kasámang ’y, kumakata-wan sa ay, nangangahulugang “dahil sa” at “sapagkat,” hal , “Kuma-hol ang áso, mangyari’y tumakbo ka”2:kapag may pangatnig na ng, nangangahulugang “sana,” hal mangyaring sagutin, mangyaring dalhin
- mang•yá•ripnd | [ Bik Tag mang+ yari ]:maganap, dumatíng
- Mang•yá•ri pa!pdd:Talaga! Dapat lámang asahang mangyari!
- man•hídpng pnr1:pagkawala ng pakiramdam ng kalamnan at litid, at kung minsan, may kasámang pamimitig o pulikat2:kawalang pakiramdam dulot ng anestisya3:taong walang pakiramdam
- manhole (mán•howl)png | [ Ing ]:bútas o lagusan para sa isang tao, lalo na sa ilalim ng lupa o sa saradong estruktura
- manhood (mán•hud)png | [ Ing ]1:kalagayan ng pagiging ganap na laláki o kahustuhan ng gulang ng isang laláki2:pagiging lalaki o pagkalaláki3:kalalakíhan ng isang bansa4:kalagayan ng pagiging tao
- mania (mén•ya)png | [ Ing ]1:karamdaman ng pag-iisip na dulot ng labis na tuwa o pagkagálit2:pagkahibang; kahibangan sa isang bagay