mang•ku•kú•lam : tao na dalubhasa sa itim na kapangyarihan at kinatatakutan dahil sa maidudulot na pinsala sa sinumang makaaway o makur-sunadahan
mang•lá•wat-lá•wat : bagay na kakaunti at magkakahiwalay sa isa’t isa ang butil o bahagi, gaya ng bayang kakaunti ang mga bahay, o mga tanim na palay na kakaunti ang uhay, o mga hayop na magkakahi-walay sa isa’t isa
mang•máng 1: hindi nakapag-aral o walang pinag-aralan; walang dunong 2: hindi ma-kabása o makasulat 3: may kapuna-punang kawalan ng kaalaman hing-gil sa isang paksâ o larang 4: nagdedeliryo dahil sa taas ng lagnat
mangosteen (máng•gus•tín) 1: punongkahoy (Garcinia Mangostana) na may makatas at nakakaing bunga 2: tawag din sa bunga nitó