mán•na 1: sa Bibliya, pag-kaing ipinagkaloob ng Diyos para sa mga Israelita upang mabúhay silá sa ilang 2: hindi inaasahang biyaya o benepisyo 3: pagkaing espiritwal, gaya ng Eukaristiya
manner (má•ner) 1: paraan kung paano ginawâ o naganap ang isang bagay 2: ásal panlipúnan 3: paraan ng pagkilos, pagsasalitâ, pananamit, at paggawâ 4: paraan ng pagsulat at paglikhâ ng likhang-sining
mannerism (má•ne•rí•sim) 1: gawi o asal sa pagkilos, panana-litâ, pananamit, at paggawâ 2: mapagmalabis na paggamit sa esti-lo ng sining o literatura 3: esti-long pansining sa Italya noong ika-16 dantaon
má•no 1: kamáy1 2: ang pagkuha ng kamay ng nakata-tanda at paghalik dito o pagdantay nitó sa noo bilang tanda ng paggá-lang 3: sa laro, ang unang papalò o títíra 4: sa trapiko, ang liko sa kanan 5: yunit ng pagsukat sa bigat o bilang ng mahihiblang produkto 6: dalawang dosenang papel o katulad 7: pinaikling her• má•no
Ma•nó•bo 1: pangkating etni-ko na matatagpuan sa Sarangani, Agusan del Sur, Davao, Bukidnon, at Cotabato 2: tawag din sa wika nitó
ma•nók 1: hayop (Gallus gallus) na kauri ng ibon ngunit higit na malakí at mababà lámang kung lumipad 2: pangitain