manila paper (ma•ní•la péy•per) : papel na kulay kape mula sa manila hemp at ginagamit na pam-balot, sobre, at iba pa
ma•ni•ób•ra 1: pinaghan-daan at kontroladong serye ng galaw 2: malawakang pagsasánay ng mga tropang militar, at hukbong sandatahan 3: plano o kontroladong aksiyon na kadalasang nakalilinlang upang matamo ang isang layunin
ma•ni•pes•tas•yón : pangyayári, gawain, o ba-gay na malinaw na nagtatanghal o kumakatawan sa isang bagay, lalo na sa isang teorya o idea
ma•ni•pés•to 1: listahan ng kargo 2: lista-han ng pasahero ng isang sasakyan, gaya ng eroplano, barko, at iba pa 3: pahayag na pambayan, karaniwan ng isang partido kapag eleksiyon