neo-plasticism (ní•yo•plas•ti•sí•zem) : terminong naglalara-wan sa uri ng painting na may heo-metrikong kapayakan ng kapuwa pa-halang at patayông mga linya at gumagamit ng mga pangunahing kulay na itim, putî, at abo
Neoptolemus (ní•yop•tó•le•mús) : laláking anak ni Achilles at pumatáy kay Priam pagkatapos ng pagkatálo ng Troya
neoteny (ní•yot•é•ni) 1: pananatili sa anyong batà kahit matanda sa edad 2: sa mga hayop, kakayahang maging tigulang sa sex kahit nása yugto ng pagiging larva
neotropical (ní•yo•tróp•i•kál) : may kinaláman o may kaugnayan sa Gitna at Timog Amerika, bílang heograpikong rehiyon ng mga hayop
nepenthes (ni•pén•tez) 1: drogang nakapagdudulot ng paglimot sa hinagpis 2: uri ng haláman na may tíla pitsel na bahagi at may tubig sa loob na lumulunod sa mga kulisap na pumasok at nagiging pagkain ng haláman
nephelometer (né•fe•lo•me•tér) : instrumentong ginagamit sa pagtantiya ng súkat at konsentrasyon ng mga particle sa likido