neptunium (nep•tyún•yum) : kemikal na element na radyo-aktibo at metaliko (atomic number 93, symbol Np)
Nep•tú•no 1: sinaunang bathala ng tubigán at karagatan ng mga Griyego 2: sa maliit na titik, karagatán1-2 3: ikawalong planeta mula sa araw
Nereid (Nér•id) 1: isa sa mga satelayt ng planetang Neptune 2: sinuman sa mga nimpang dagat; babaeng anak ni Nereus
nerve (nerv) : hugpong ng mga ugat na nagpapabatid ng pandamá at kilos sa utak, gulugod, at iba pang bahagi ng katawan
nerve plant (nerv plant) : maliit na yerba (Fittonia vers-chaffeltii) na mataba ang dahon at maliit at payát ang bulaklak
nervous system (nér•vos sís•tem) : network ng espesyalisadong mga cell na nagdadalá ng pandamá sa iba’t ibang bahagi ng katawan
-ness (nes) : pambuo ng pang-ngalan, idinadagdag sa pang-uri, at nagpapahayag ng kondisyon, hal tenderness, brightness
Nestorianism (nes•tor•ya•níz•em) : doktrinang Kristiyano hinggil sa paniniwala na si Hesukristo ay may dalawang hiwalay na persona, isang tao at isang banal