neuroscience (nyu•ro•sá•yans) : anumang agham na tumatalakay sa estruktura at funsiyon ng nervous sytem at utak
neurosis (nyu•ró•sis) : karamdamang mental na may sintomas ng matinding ligalig ng isip, gaya ng pagkabalisa at pagkamalungkutin
neurotomy (nyu•ro•to•mí) : operasyon sa pamamagitan ng pagputol sa nerve, lalo na upang mawala ang isang pandamá
neurotransmitter (nyu•ró•trans•mít•er) : kemikal na substance na inilalabas mula sa himaymay ng nerve na nakaaapekto sa pag-lipat ng impulse sa isang nerve o kalamnan
neutrality (nyút•ra•li•tí) : sa batas pandaigdig, ang legal na kalagayan ng isang bansa na magpahayag ng hindi pagsangkot nitó sa digmaan ng ibang mga bansa
neutralize (nyut•ra•láys) 1: muling balansehin; gawing walang-saysay ang taliwas na puwersa o epekto 2: ibukod ang isang bagay o pook sa pinangyayarihan ng tunggalian
neutrino (nyut•rí•no) : neutral na subatomic particle na may mass na malapit sa zero at may kalahating integral na ikot
ne•ú•tro 1: hindi tumutulong o nagtataguyod sa anumang panig 2: walang pinapanigan 3: sa mga kulay, hindi matingkad, hal kulay abó, itim, putî, at kulay gatas
neutron (nyút•ron) : sub-atomic na particle na ang mass ay kahawig ng proton ngunit walang kargang elektrisidad
neutron star (nyút•ron star) : bagay na may pinakamaliit na radius, may mataas na densidad, at binubuo ng neutron na mahigpit ang pagka-kapit sa isa’t isa
neutrophil (nyu•tro•fíl) : sa histolohiya, putîng cell ng dugo na madalîng mamantsahan ng neutral na tinà