ní•rat : tulang nagsasaad ng paglayô ng makata sa kaniyang mahal upang maglakbay at nagsa-salaysay ng magagandang tanawing dinaanan
nir•vá•na : sa Budismo, ang pinakamaluwalhating kalagayan na walang paghihirap, lunggati, o pagkakilála sa sarili
nis•nís 1: natanggal o natatanggal na sinulid o himaymay ng anumang hinabing tela, damit, o kumot dahil sa labis na pagkagamit at kalumaan 2: pagkagato ng damit dahil sa kalumaan o masamâng pagkaka-kusot 3: basáhan 4: sepilyong panlinis
ni•tó : panghalip na pamatlig sa kaukulang paari na tumutukoy sa tao, bagay, o pangyayaring nagtataglay ng anumang katangiang ipinahahayag ng nagsasalita na malapit sa kaniya
ni•tò 1: baging na payat at ilahas, karaniwang ginagawâng sombrero at basket 2: uri ng pakô (Ligodium circinnatum)