panghalip panaong isahan, ikatlong panauhan, nása kaukulang paari, at kumakatawan sa ngalan ng pinag-uusapan na siyang nag-mamay-ari o kinauukulan ng bagay, gawain, o pangyayaring binabanggit, hal bahay niya, bibilhin niya
panghalip pamatlig sa kaukulang paari na tumutukoy sa tao, bagay, hayop, at pangyayaring ipinahahayag ng nagsasalita na malapit sa kaniyang kausap, hal , Bigyan mo ako niyang hawak mo
palma (Cocos nucifera) na may punò, dahon, at bungang napagkukunan ng tabla, inumin, alkohol, sukà, mantika, at iba pang gamit, tinatawag na “punò ng búhay” dahil sa iba’t ibang gamit nitó, at may mga hybrid na ornamental gaya ng golden coconut