ni•tòng-pu•tî 1: uri ng pakô (Lygodium circinna-tum) na mabalahibo at karaniwang itinatanim sa mga hardin 2: uri ng pakô (Lygodium flexousum) na may maikli at gumagapang na mga risoma at halos dikit-dikit ang mga dahon
nitric acid (nít•rik á•sid) : walang kulay o manilaw-nilaw, sumi-singaw, nakapapasò, at nakasisiràng likidong HNO3, natutunaw sa tubig at may malakas na katangian para mag-oxidize
nitrobenzene (nay•tru•bén•zin) : element (C6H5NO2) na mapusyaw na dilaw, nakalalason, at nalulusaw sa tubig
nitrogen (náy•tro•dyén) : walang kulay, walang amoy, at gaseous na element na bumubuo ng 4/5 ng volume ng atmospera (atomic number 7, symbol N1)
nitrogen cycle (náy•tro•dyén sáy•kel) : tulóy-tulóy na pagbabago sa pamamagitan ng kumbersi-yon ng nitrogen sa atmospera at mga compound sa lupa na may nitrogen
nitrogen fixation (nayt•ro•dyén fik• séy•syon) : kumbersiyon ng nitrogen gas sa nitrogenous compound dulot ng bakterya na gumagawâ ng nitrogen at maaaring magamit ng lahat na organismo
nitroglycerine (náy•tro•glis•ár•in) : walang kulay, makapal, sumasabog, at bahagyang nalulusaw na likido CH2NO3CHNO3CH2NO3, inihanda mula sa glycerol na may mga nitric at sulfuric acid
nitrous (náy•trus) 1: tumutukoy sa mga compound mula sa niter, may higit na kaunting oxygen kaysa nitric compound 2: may nitrogen