- nga•nìpng | [ ST ]:ngâ, bagaman sinasabing higit na matindi ito, maringal, at angkop sa pagbibigay ng dahilan kaysa ngâ
- ngá•nibpng:salitâng-ugat ng panganib
- ngá•ni-ngá•nipng | [ ST ]:gálang1-3 o paggálang
- ngá•nitpnb | [ ST ]:ngunit, isang pang-abay ng paggigiit
- ngan•ya•yàpng:mula sa anyayà at salitâng-ugat ng panganyayà
- ngá•papng:hindi maláman kung ano ang gagawin
- ngap•ngáppnr:napakadilim o madilim na madilim
- nga•rágpnr | [ kárag ]:balisá at abalá
- ngá•ragpng:varyang ng kárag2