- Obadiah (o•ba•dá•ya)png | [ Heb Ing ]1:isang propetang Hebrew2:pina-kamaikling aklat sa Bibliya
- ó•bakpng | [ Pan ]:tálop o pagtatálop
- o•ba•ráy•tispng | Med | [ Ing ovaritis ]:pamamagâ ng obaryo, karaniwang pati ng fallopian tube
- o•bár•yopng | [ Esp ovario ]1:re-produktibong glandula ng babae na kinalalagyan at lumilikha ng mga ovum at hormone2:ibabâng bahagi ng pistil na kinalalagyan ng mga ovule o mga murang binhi
- o•bátpng | Mit | [ Ifu ]:pagsiyap ng idaw, signos na may masusugatan o maa-aksidente sa patalim
- o•bá•yapng | [ Bon ]:araw ng pahinga
- obedience (o•bí•dyens)png | [ Ing ]1:pagsunod o pagiging masunurin2:pagsailalim sa tuntunin o awtoridad3:pagsunod sa batas o utos
- o•be•lís•kopng | [ Esp obelisco ]1:mala-kí at mataas na posteng bató, hugis kandilang may apat na kanto, kara-niwang monolitiko, at tíla piramide ang tuktok2:anumang ka-tulad nitó
- o•ber•tú•rapng | [ Esp overtura ]1:panimula o pambungad na tugtugin sa komposisyong pang-orkestra, opera, at iba pa2:pambungad na negosasyon