• O, o
    png
    1:
    ikalabimpitóng titik sa alpabetong Filipino; isang patinig at tinatawag na o
    2:
    ikalabintatlong titik sa abakadang Tagalog
    3:
    ika-labimpito sa isang serye o pangkat
    4:
    pasulat o palimbag na represen-tasyon ng O o o
    5:
    tipo, tulad ng sa printer, upang magawâ ang titik O o o.
  • -o
    pnl | [ Esp ]
    :
    pambuo ng pangngalan at pang-uri na may kasariang panla-láki, hal niño, maestro
  • o
    pnt
    1:
    a ipinakikilála ang pangalawa sa dalawang alternatibo, posibilidad, o katulad, hal putî o itim b ipinaki-kilála ang lahat at ang hulíng alter-natibo, posibilidad, o katulad, hal putî, itim, o pulá
    2:
    nagpapakilála ng singkahulugan o pagpapaliwanag ng naunang sali-ta
  • O
    symbol | Kem | [ Ing ]
  • O!
    pdd
    1:
    bulalas ng pagkagulat, hindi pagsang-ayon, at iba pa
    2:
    ginagamit sa pagtawag o pagsamo, bago ang pangalan ng tao o pook, hal “O Diyos ko!,” “O irog!,” “O Davao!”
    3:
    ginagamit sa pagta-wag ng atensiyon o pansin sa tao na kinakausap
  • O
    pnb
    :
    ginagamit sa pagpapakilála ng isang pahayag o tanong, karaniwang nagpapahiwatig ng pag-aalala, pani-nisi, o agam-agam, hal “O, ano ang nangyari sa kanila?,” “O, tingnan mo ang nangyari.,” , “O, ganyan ang paghawak sa batà.”
  • O (o)
    png | [ Ing ]
    :
    tipo ng dugo ng tao
  • O,
    daglat | Ele | [ Ing ]
    :
    ohm
  • OA, (ó•ey)
    daglat | [ Ing ]
  • oak (owk)
    png | Bot | [ Ing ]
    1:
    punong-kahoy o palumpong (genus Quercus), karaniwang bilugán ang dahon at hugis itlog ang bunga
    2:
    matigas at matibay na kahoy nitó, karaniwang ginagamit sa konstruksiyon at pag-gawâ ng kasangkapan
    3:
    anumang bagay na gawâ sa kahoy na ito
  • oar (or)
    png | Ntk | [ Ing ]
  • oarfish (ór•fish)
    png | Zoo | [ Ing ]
    :
    uri ng ribbonfish (Regalecus glesne) na malaki, mahabà, sapád ang kata-wan na humahabà nang 3.66 m to 6.10 m, at naninirahan sa malalim na bahagi ng dagat
  • oarweed (ór•wid)
    png | Bot | [ Ing ]
    :
    ma-lakíng alga (genus Laminaria), kara-niwang tumutubò sa mabatóng bay-baying dagat
  • oas (ó•was)
    png | Bot
    :
    punongkahoy (Harpulla arborea) na tumataas nang 20 m, may balakbak at bungang may katas na ipinapahid sa balát upang hindi kagatin ng linta
  • oasis (o•wá•sis, o•wéy•sis)
    png | [ Esp Ing ]
    1:
    matabâ at lungtiang pook sa disyerto, karaniwang kata-tagpuan ng bukal o balon
    2:
    bagay na nagsisilbing kanlungan at nagdu-dulot ng kaginhawahan o kapanata-gan
  • oat (owt)
    png | Bot | [ Ing ]
    :
    halámang butil (Avena sativa), nililinang sa po-k na malamig ang klima
  • oatcake (ówt•keyk)
    png | [ Ing ]
    :
    keyk, karaniwang manipis at malutóng, at gawâ sa oatmeal
  • oath (owt)
    png | [ Ing ]
    1:
    sumpâ1,2 o pag-sumpa, karaniwang sa Diyos, hinggil sa katotohanan ng pahayag o sa pag-tupad ng gawain
    2:
    pagsulat ng nasa-bing pahayag o pangako
  • oatmeal (ówt•mil)
    png | [ Ing ]
    :
    giniling na oat, karaniwang ginagawâng oat-cake
  • ob, (ó•bi)
    daglat | [ Lat ]