objectionable (ob•jék•syo•na•ból) 1: nagsasanhi ng pagtutol o pagprotesta 2: opensibo o nakaiin-sulto sa isang tao o pangkat, lalo na sa relihiyon, lahi, o pangkating etniko.
objectivism (ób•jek•ti•ví•sem) 1: tendensiya na magbigay-diin sa anumang obhetibo o sa external na elemento ng kaalaman 2: dok-trinang higit na binibigyang-diin ang mga bagay na external sa pag-iisip ng tao kaysa mismong pag-iisip o damdamin
oblate (ob•léyt) 1: tao na inilalaan ang sarili sa panrelihiyong pamumuhay sa monasteryo ngunit hindi sumasailalim sa isang orden 2: deboto ng isang espesyal na ga-waing panrelihiyon
ob•li•gá 1: ipagawâ o ipatupad ang isang ba-gay alinsunod sa batas, utos, konsi-yensiya, o puwersa 2: ipasunod ayon sa batas at moralidad, tulad ng pa-ngako, kontrata 3: gawing sapilitan
obligee (ób•li•dyí) 1: a tao na may legal na karapatang umasa sa isang tao upang tumupad sa kaniyang obligasyon b tao na may bond na pinanghahawakan 2: tao na nagbigay ng pabor, serbisyo, o benepisyo
ób•li•gór : tao na may tungkuling gumanap ng obligasyon, alinsunod sa kontrata o iba pang legal na proseso
ob•lík 1: pahilís1 2: hindi per-pendikular ang axis sa base ng pa-tág na rabaw 3: hindi tuwirang ipinahayag 4: hindi kaagapay o hindi nakakrus sa mahabàng ak-sis ng katawan 5: hindi pantay ang mga gilid ng dahon 6: hinggil sa kaso bukod sa nominati-bo o bokatibo