pa•min•tá 1: baging (Piper nigrum) na may kum-pol na bungang maliliit at maang-hang 2: tawag sa buto nitó at karaniwang ipinanti-timpla sa pagkain
pa•mí•sa : nauukol sa isang misa na inialay ng isang tao para sa isang layunin, hal para sa kapakanan ng kaluluwa ng namatay.
pa•mis•tá : tumutu-koy sa pinakamahusay na damit, sapatos, o anuman na isinusuot lá-mang kapag pista o natatanging okasyon
pa•mi•tá•gan 1: salita ng pagbati sa isang liham 2: salita na ginagamit bílang pagbati, hal kapag nagtatalumpati o kapag dumating sa isang pagtitipon 3: pang-abay pamitagan.
pa•mí•tak 1: kasangkapan na ginagamit upang bigyan ng hugis ang isang bagay, na pinaghihiwalay sa iba’t ibang bahagi nitó, hal asarol na ginagamit upang gumawa ng mga pilapil ng taniman 2: binatog1.
pa•mi•tík 1: karaniwang pisi na ginagamit bílang palatandaan sa tuwid na linya 2: lubid na ginagamit para patnubayan ang kilos ng nakasingkaw na kabayo o kalabaw 3: mga daliri na ginagamit sa pitik