pam•pa•lag•lág 1: anumang nagiging sanhi ng paglalaglag ng dahon, bulaklak o bu-nga ng haláman, o ng balahibo o bu-hok ng hayop o tao 2: anumang ginagamit o nagdudulot ng abor-siyon.
pam•pa•la•míg 1: anumang kasangkapan na gina-gamit para manatiling malamig ang isang bagay o pagkain, gaya ng cooler o repriherador 2: anumang pagkain o inumin na makapagpapaalis ng init sa katawan, gaya ng sorbetes o softdrink.
pam•pa•li•gò 1: tubig na inihanda para gamitin sa paliligo 2: damit na ginagamit hábang naliligo, lalo na sa paliguang pangmadla.
pam•pa•lú•bag-lo•ób 1: pahayag o bagay na ibinibigay o inihandog para masi-yahan at mawala ang galit ng isang tao 2: sa timpalak o loteriya, dagdag na gantimpala para sa hindi nanalo ng pangunahing gantimpala