pam•pa•ba•tà 1: anumang itinuturing na sangkap o paraan upang maging higit na batà ang anyo ng isang tao 2: sa himig pabiro, pagkaing dapat iwasan ng matanda, gaya ng sitsaron, litson, at posibleng magdulot ng sakit.
pam•pa•bi•gát 1: anumang idinadagdag sa timbang ng isang tao o bagay 2: anumang nagiging sanhi ng paglubha ng isang karamdaman o suliranin.
pam•pa•di•kít 1: pandikit 2: anumang ginagamit para magsimula 3: bagay na ginagamit na pampasiklab ng sigâ.
pam•pa•ga•án 1: anumang nakababawas sa bigat ng timbang 2: anumang tumutulong para maging madali ang isang gawain o tungkulin.
pam•pa•gá•na 1: pagkain o inumin na isinisilbi ba-go o sa simula ng tanghalian o hapu-nan 2: maliit na bahagi o maikling bílang na nakapagpapagana o nagpapahiwatig na mayroon pang kasunod
pam•pa•gá•na 1: anumang kinakain upang magka-roon ng gana 2: anumang nagdu-dulot sa isang tao ng sigla o sigasig.