pan•tót 1: pagkayamot sa pag-hihintay 2: sa baraha, ang pagpapalit ng hawak na baraha upang makabuo ng magagandang pares na maaaring ipanalo.
pan•tu•bós 1: salapi para sa pagbabayad ng utang upang mabawi ang isinanglang ari-arian 2: salapi para ibayad sa kidnapper
pan•tuk•tók 1: sa hiyas, kasangkapang ginagamit na pantulak sa prong na de-unyas 2: metal na pangkatok na nakakabit sa pinto 3: palupalo.
pan•tú•naw 1: substance na ginagamit sa pagtunaw ng pagkain 2: substance para malusaw ang ibang substance
pan•tu•rò 1: kasang-kapan, pamamaraan, materyales na ginagamit sa pagtuturò 2: bahagi ng isang orasán, metro, timbangan, o katulad na nagtuturò ng oras, habà, o timbang
pá•nu•bi•gin : ang pantog na sinasabi nilang mayroon ang mga buntis, o ang pi-naglalagyan ng batà sa sinapupunan ng ina.