pa•nu•nuk•só 1: kilos o ugali na tuksuhin o biruin ang iba 2: kilos para ibuyo sa kapahama-kan ang iba.
pa•nu•nu•lót 1: pagsundot sa isang tao sa pamama-gitan ng isang pambutas o silat sa sahig bílang pagbibirò 2: paraan para maging masamâ ang isang tao at maging mabuti ang sarili upang makuha ng puwesto o trabaho ng nasabing tao.
pa•nu•nul•sól : pagsisikap na ibuyo ang isang tao pa-ra gumawa ng isang bagay na bawal o di-karaniwan.
pa•nu•nu•lú•yan 1: pansamantalang pagtigil sa bahay ng iba 2: sa malaking titik, dula sa bisperas ng Pasko hinggil sa paghahanap ng matutuluyan nina Birheng Maria at San Jose sa Herusalem