pa•nú•bong : sa Marinduque, pagtatanghal bílang parangal sa isang may kaarawan, lalo na sa mataas na pinunò
pa•nú•gis 1: lan-setang panghiwa ng leeg ng tandang o manok, ayon sa batas ni Mahoma 2: anumang ginagamit sa pagtugis.
pá•nu•ká•lang-ba•tás : borador ng isang batas na iniharap sa batasan, kongreso, parlamento, at katulad para talakayin at pag-aralan kung dapat pagtibayin o hindi
pa•nú•lat 1: anumang kasangkapan na gina-gamit sa pagsulat gaya ng lapis o bolpen 2: talino sa pagsulat o ang bunga ng ganoong talino
pa•nú•lir : hang-gahang patpat o tulos kapag walang pilapil ang bukid, ang dalawang dulo ay tinatawag na túlos at ang nasa gitna ay panúlir.
pá•nu•lú•kang-ba•tó 1: bató na saligan ng isang sulok ng gusali at nag-uugnay sa dalawang dingding 2: batayan ng isang mahalagang katangian o pangyayari