pa•pe•lí•to 1: varyant ng papeléta 2: papel na lukót 3: piraso ng papel na itinupi at may lamáng pinulbos na gamot 4: preskrip-siyon.
paperweight (péy•per•wéyt) : maliit at mabigat na bagay na ipina-patong upang hindi lumipad ang papel
paperwork (péy•per•wórk) 1: pangkaraniwang gawaing klerikal at administratibo 2: mga dokumento, lalo para sa isang partikular na layu-nin.
pá•pet 1: gawâ-gawâ o artipisyal na pigurang suma-sagisag sa tao o hayop, pinagagalaw ng baras o mga patpat, at karaniwang itinatanghal sa maliliit na entablado 2: isang tao-tauhan ng isang tao, pangkat, o pamahalaan na kontrolado ng iba ang kilos at pasiya
pá•pi•ró 1: halámang tubig (Cyperus papyrus) na mataas, matingkad na lungti ang tangkay, at may malambot na bulaklak 2: sinaunang papel na sulatán mula sa naturang haláman