paparazzo (pá•pa•rát•zo) : freelance na potograpo na naghahabol ng mga celebrity upang makakuha ng retrato.
pa•pás 1: mababà o halos pátag ang balangkas ng bubong 2: napatag o bumagsak sa lupa dahil sa bagyo o malakas na hangin, karaniwang tumutukoy sa paláyan, tubuhán, at katulad.
pa•pá•ya 1: maliit na punongkahoy (Carica papaya) na tuwid at walang sanga ang bunged, at may bunga na parang globo at maliliit at itim ang butó 2: ang bunga nitó
pa•pél 1: materyales na gawâ sa manipis na piraso ng sapal ng kahoy, o iba pang mahimaymay na substance, ginagamit na sulatán, pambalot, at iba pa 2: ang ginagampanang tauhan sa isang dula at kauri 3: kaugnayan sa isang bagay o pangyayari.