pa•sak•láng 1: nau-ukol sa pagsakay na nakabuka ang mga paa, hal pagsakay sa kabayo 2: katulad na posisyon.
pá•sal 1: pasak1 2: paglalagay ng patay sa isang banig na kawayan na nagsisilbing ataul 3: talaksán ng kahoy na panggatong
pa•sa•lá•mat 1: pagkilála o pagtanaw ng utang na loob sa tinang-gap na tulong, paglilingkod, pamimi-tagan, at iba pa 2: pagdiriwang o piging para magpahayag ng pasalamat
pa•sa•li•tâ 1: sa pama-magitan ng bibig 2: nauukol sa panitikan na isinasalin sa pamamagitan ng bibig mula sa isang tao túngo sa isang tao, mula sa isang henerasyon túngo sa ibang henerasyon, mula sa isang pangkat túngo sa ibang pangkat
pa•sa•má•no 1: paha-lang na kahoy o bató sa pang-ilalim na bahagi ng bintana var pasimáno 2: liston ng mga balustre sa balkonahe
pa•sáng 1: paglalagay ng arkabus sa patungán nitó nang naka-umang 2: palma na nagbibigay ng kaunting tubâ.