pá•saw : haláman na may balát na nagagawâng lubid, naigugulay ang murang talbos, at karaniwang tumutubò sa palayan.
pá•saw na ha•páy : haláman na tuwid, masanga, at makinis ang tangkay, lungti o lila ang dahon, at may bulaklak na apat ang talulot.
pás•buk 1: maliit na aklat para sa bawat parokyano na pinagtatalaan ng mangangalakal ng ipinautang na kalakal at ng halagang nabayaran ng bawat parokyano 2: libreta