pa•sén•si•yó•sa 1: mapagtimpi o mapagpaumanhin 2: may kakayahang matagal maghintay nang hindi nayayamot, pa•sén•si•yó•so kung laláki
pá•ses 1: pahintulot upang makaraan, makapasok, maka-labas, o makatúngo 2: sa sinehan, tiket na walang bayad 3: kasulatang panghukbo na nagkakaloob sa may dalá nitó ng karapatang tumawid sa hanggahan 4: nakasulat na kapangyarihang ipinagkaloob sa isang kawal upang makaliban sa destino o tungkulin nang ilang oras o araw
pa•sí•bo 1: tumatang-gap ng aksiyon 2: masunurin 3: walang pakialam; hindi nakikialam 4: mahinahon 5: nása tinig na balin-tiyak
pa•si•ga•yón 1: pagtigil gawin ang isang bagay 2: pagkukunwaring walang kinalaman; pagmamaang maangan.
pa•sí•kar 1: kilo, o mga tukod ng bubong 2: isang piraso ng kahoy na nakalatag nang pahalang sa bangka na pinagpapa-tungan ng upuan.