pá•so 1: takbo ng kabayo, na matimbang at hindi palumba-lumba 2: daan o lagúsan, lalo na ang makitid na daanan sa bundok o tagaytay 3: sa pru-sisyon, babae na nakasuot ng itim na damit at sombrerong gawâ sa dahon.
pa•só•lo 1: isang uri ng sandatang gawâ sa kawayan na kapag inihagis sa lupa ay tumutusok sa paa ng dumaraan 2: panà na panghúli ng hayop.
Pá•song Ti•rád : makitid na lagusan patúngong Cordillera at matatagpuan sa Ilocos Sur, ginamit ng pangkat ni Heneral Gregorio del Pilar upang ha-rangin ang mga Amerikanong huma-habol sa hukbo ni Heneral Emilio Aguinaldo
pas•pás 1: hampas 2: pagsu-kat ng lupa gamit ang patpat na may isang dipá 3: pinagsámang lupang pamána sa dalawang magkai-bang taniman 4: bugso o hihip ng hangin 5: pag-alis ng alikabok sa pamamagitan ng basáhan o anu-mang gamit na inihahampas sa nili-linis 6: matuling takbo o madaliang paggawâ ng anuman 7: walang pa-kundangang paglusob