passacaglia (pa•sa•kál•ya) 1: mabagal at maringal na sayaw Espanyol 2: musika para sa sayaw na ito 3: anyo ng musikang may tuloy-tuloy na baryasyon batay sa daloy ng báho
password (pás•word) : lihim na salita o parirala na nagpapahin-tulot sa nagsasalita upang makapasok sa isang pook, makalampas sa mga tanod, o makilálang kaanib ng sama-hán
pás•ta : putaheng mula sa Italya, binubuo ng minasang trigong durum at tubig, pinahabà o hinubog sa , iba’t ibang hugis, at karaniwang iniluluto sa kumukulong tubig.
pas•tél 1: ulam na pira-pirasong karne, lamanloob, iba pang pansahog at pampalasa, ibinabalot sa balát, at inihuhurno 2: kasangkapan sa pagpipinta 3: sa paglilimbag, sabóg na tipo.