pás•te•ri•sas•yón : pagdadarang, gaya ng gatas at keso, sa mataas na temperatura sa isang hatag na oras upang puksain ang mga mikroorganismo at nang maiwasan ang permentasyon o pagkapanis
Pas•ti•lán! : bulalas ng buwisit, galit, at katulad bagaman gi-nagamit ng iba sa paraang walang kahulugan.
pas•tíl•yas : piraso ng minatamis na gawâ sa pinalapot na sariwang gatas ng kalabaw at hinaluan ng repinadong mantekilya, itlog, at iba pang sangkap.
pas•tíl•yas de-ma•nî : piraso ng minatamis na gawâ sa gatas na kondensada, gini-ling na mani, at arnibal.
pas•tíl•yas de-pí•li : piraso ng minatamis na gawâ sa gatas na kondensada, gini-ling na píli, at arnibal.
pas•tól 1: tagapag-alaga ng hayop na gaya ng tupa, kalabaw, at kabayo 2: pagsusuga ng hayop sa damúhan
pás•to•rál 1: tula, dula, o katulad, tumatalakay sa búhay sa kanayunan 2: larawan o tanawin sa bukid 3: sulat ng isang pastor o ministro sa kaniyang kongregasyon 4: pastorale.
pas•tó•res : sa Cebu at Leyte, maikling dula na nag-tatampok sa paglalakbay ng mga pastol at sa kanilang papuri sa Santo Niño.
pastry (péys•tri) 1: arinang minasa sa mantika at ginagamit sa paggawâ ng pastel, empanada, at katulad 2: hinurnong pagkain na gawâ mula rito 3: alinmang matamis at hinurnong pagkain.
pastry bag (péys•tri bag) : hugis konong kasangkapan na gina-gamit sa pagdedekorasyon ng icing at iba pang malapot na likido.