pa•ti•lam•bó 1: bandehado 2: laro ng mga batàng lalaki, pinag-durugtong ang dalawang kamay upang buhatin ang isang kalaro.
pa•ti•lay•láy 1: pagdungaw sa bintana nang nakalaylay ang mga braso 2: paghahayág ng mga kasira-an ng ibang tao.
pa•tí•na 1: lungtiang bálot ng oxide at carbonate na kuma-kapit sa tanso at bronse dulot ng kalu-maan o pagkabilad sa mga elemento 2: katulad na kalawang o dumi na kumakapit sa rabaw ng anumang metal o kahoy.
pa•tin•dá 1: mga panin-da na ipinása o ipinadalá sa ibang tao para itinda 2: ang kilos o proseso para sa naturang pagpapása o pagpapadalá 3: kasunduan na baba-yaran ang nagpása o nagpadalá ng paninda pagkatapos na ito ay mabili 4: panindá1.
pa•tíng 1: malaking isdang-alat (family Scyliorhinidae) na may labindala-wang species sa Filipinas, mabangis, at may 250-300 maliliit ngunit matutulis na ngipin 2: kalapáti1
pa•tíng-sud•sód : napakala-kíng isdang-alat (family Rhynchoba-tidae, Rhynchobatus djiddensis) na kahawig ng pating, may sapád na likod na itim at may mga bátik na putî