pá•tol 1: sa pagluluto ng munggo, ang butil na hindi naluluto dahil sadyang hindi na lumalambot 2: epilepsiya.
Pa•to•là Ka•o•rá•yan 1: sa Darangan, kasuotang panlalaki na nagiging tagabulag ng tao na magsuot nitó 2: bordadong sintu-ron na may bisang tagabulag.
pa•tó•lang gú•bat : baging na hugis puso ang dahong nahahati sa lima o pitong pilas, malakí at putî ang bulaklak, at matingkad na pulá ang bilóg na bunga
pa•tó•lang u•wák : baging na magaspang, may malapad na dahon, murang dilaw ang bulaklak, malaki at hugis itlog ang bungang may tíla mga tinik
pá•tong 1: bagay na may bigat at inilalagay sa ibabaw ng isa pang bagay 2: paglalagay ng anu-mang bagay sa ibabaw 3: pataw3 4: kawáyang-kilíng
pá•tong la•bu•yò : bibe (Anas platyrynchos) na maamo at itinuturing na pinakama-gandang uri sa mundo.
pa•tós 1: nagulo o naiba ang ayos dahil sa pagkakahagis nitó, gaya sa laro ng barya 2: naubos lahat; tinalo lahat.