pat•ról tor•pé•do : bang-kang maliit, mabilis, madalîng imani-obra, at ginamit nang malawakan sa Dagat Pasipiko noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig
patron (pat•rón, péy•tron) 1: santo na kinikilálang gumagabay sa tao, pangkat, pook, bansa, at iba pa, pat•ró•na kung babae, pat•ró•no kung lalaki 2: kostumer o kliyente, lalo sa mga pamilihan, hotel, at kauri 3: padrino.
pát•ro•ná•to 1: tulong pinansiyal o negosyong ibinibigay sa mga tindahan, hotel, o katulad ng mga kostumer at kliyente 2: ang posisyon, panghihikayat, implu-wensiya, o tangkilik ng patron, gaya sa artista at institusyon
pat•rul•yá : regular na paglilibot sa isang pook upang bigyan ng proteksiyon ang mga tao, bagay, estruktura, at hayop
pa•tsé 1: pantapal sa masakít o makirot na bahagi ng kata-wan 2: pékas1 3: ginu-pit na tela, karaniwang may dibuho na itinatahi sa damit upang magsilbing palamuti 4: tagpi
pát•teng : instrumentong yari sa isang piraso ng kahoy na may dalawang kuwerdas na tanso, pina-palo ng patpat ang kuwerdas upang tumunog.