pa•tu•bò 1: patong na interes sa utang 2: lalaki o babae na may gulang na , dalawampu hanggang dalawampu’t limang taon 3: bagong sibol na binhi 4: angkák1.
pa•tu•kâ 1: butil na pagkain ng manok, itik, at katulad 2: kung sa problema, maliit lang; kung sa presyo, mura lang.
pá•tu•kà•an 1: sisidlan ng patukâ 2: panahon ng pagpapakain ng mga alagang manok 3: sa sabong, pagpapatuka ng mga pansabong sa isa’t isa para magalit.
pa•tú•kad : bahagi o ugat ng haláman, tulad ng singkamas o ube, na iniiwan sa lupa upang mag-bunga pa.