perestroika (pé•res•tróy•ka) : sa dáting USSR, ang patakaran ng muling pagtatayo at pagbubuo ng sis-temang pang-ekonomiya at pampo-litika.
perfectionism (per•fék•syu•ní•sim) 1: paghahangad ng perpek-siyon 2: paniniwala na maaabot ang banal at moral na kaganapan.
performance (per•fór•mans) 1: a aksiyon o proseso ng pagtatang-hal b paggawa at pagganap sa isang tungkulin at katulad 2: pagtatanghal ng dula, musika, at katulad 3: ang naging pagharap ng isang tao sa pagsubok 4: pagtatanghal na pangmadla 5: kakayahan ng makina 6: ang balik ng puhunan, lalo na sa mga istak o sapì.
per•fór•ming arts : tula, drama, o musika na nangangailangan ng pagtatanghal upang maging makatotohanan.
pér•ga•mí•no 1: balát ng tupa, kambing, at iba pa na inihanda upang sulátan o pintahan 2: manuskrito o dokumentong isi-nulat dito 3: papel na kahawig nitó
pér•go•lá : estrukturang walang atip ang bubong, sinusupor-tahan ng mga poste, at nagsisilbing balag ng mga baging o haláman.
pe•rí- : pambuo ng pangnga-lan at nangangahulugang a bilóg b Ast ang punto na pinakamalapit sa, hal perigee, perihelion.