periodontics (pír•yo•dón•tiks) : sangay ng dentistry na tumutuon sa mga estrukturang nakapalibot at sumusuporta sa mga ngipin.
peripatetic (pe•rí•pa•té•tik) 1: hinggil kay Aristotle o sa kaniyang pi-losopiya 2: naglalakad o naglalakbay.
peripheral (pe•rí•fe•rál) 1: hinggil sa sirkumperensiya o pan-labas na sukat ng anumang rabaw 2: malapit sa rabaw ng katawan.
perish (pé•ris) 1: mamatay nang wala sa panahon dahil sa karahasan, kadahupan, at iba pa 2: mawala 3: mawasak.
pé•ris•kóp•yo : kasangkapang ginagamit sa subma-rino, kanal, o bambang upang makíta ang anumang hindi sana makikíta kung wala nitó
pe•ris•tál•sis : sa pisyolohiya, ang tuloy-tuloy na kontraksiyon at pagbawa ng sistema ng tíla túbong kalamnan, lalo ang alimentary canal.
periwinkle (pé•ri•wíng•kel) : laging-lungti (genus Vinca) na gumagapang at may bughaw at putîng bulaklak.