perquisite (pér•kwi•sít) 1: dagdag sa regular na sahod, tubò, at katulad 2: kinagawiang karapatan o pribilehiyo 3: tip2.
Persephone (per•sí•fo•ní) : anak nina Zeus at Demeter, binihag ni Pluto at ginawâng reyna ng Hades ngunit pinayagang makabalik sa daigdig tuwing tagsibol at taglagas taon-taon
Perseus (pér•si•yús) 1: bayaning anak nina Zeus at Donae, pumatay kay Medusa at nagligtas kay Andromeda mula sa halimaw sa dagat 2: malaking konstelasyon sa hilaga kasáma ang makapal na bahagi ng Milky Way.
persimmon (pér•si•món) 1: laging lungti (Diospyrus kaki) na may bungang kahawig ng kamatis at nakakain, katutubò sa Japan at Tsina at tumutubò ngayon sa Baguio at karatig-pook 2: ang bunga nitó