pag•la•la•gáy 1: kilos upang magpatong, magkabit, magsilid, o magpasok 2: pagtatalaga ng isang tao sa tungkulin 3: súhol1,2 o panunuhol.
pag•la•la•hád 1: láhad 2: isang detalyado at kom-prehensibong paglalarawan o pagpa-paliwanag ng isang bagay, pook, o idea
pag•la•la•kád 1: paraan ng pagpunta sa isang lugar sa pamamagitan ng lákad 2: ang naturang gawain bílang ehersisyo o aliwan 3: paraan ng pagpapalaganap o pagbebenta ng isang bagay 4: paraan ng pagkuha sa pagsang-ayon ng isang may kapangyarihan sa pamamagitan ng impluwensiya o koneksiyon.
pag•la•la•mán 1: paraan ng pagpunô sa isang sisidlan 2: pagtubò ng laman gaya sa a Med paggalíng ng sugat b Bot pagbubunga ng halámang-ugát.
pag•la•lam•bí•ngan : kilos ng pagyakap, pagkandong, at pagbubulungan ng matatamis na salita sa isa’t isa.
pag•la•la•ngís 1: paglalagay ng langis 2: paraan ng paggawâ ng langis 3: pagpuri at pagsuyò sa isang tao upang makuha ang pabor.