pe•sé•ta 1: pangu-nahing yunit ng pananalapi ng Espanya, katumbas ng 100 sentimo 2: salaping pilak na katumbas nitó
pé•si•mís•mo 1: tendensiya na tingnan, asahan, o tuunan ang pawang masamâ o hindi kanais-nais na resulta, kalagayan, problema, at katulad 2: paniniwala na pinakamasamâ sa lahat ang umii-ral na mundo o may likás na kasama-an ang lahat ng bagay
pés•ka•dór 1: mangingisdâ 2: ibon (class Aves) na kulay bughaw at putî, mahabà at matulis ang tukâ, at karaniwang matatagpuan sa bukid.
pé•so 1: halagang katumbas ng sandaang sentimo 2: kuwartang papel o metal na san-daang sentimo ang halaga 3: timbáng1.
pes•pés : katas na piniga mula sa hindi pa natutunaw na damo sa bituka ng hayop at isinasangkap sa pinapaitan.