Peter Pan (pí•ter pan) : bátang laláki na may mahikong ka-pangyarihan, hindi lumalakí, at bida sa dula na may katulad na pangalan.
Peter Principle (pí•ter prín•si•pól) : obserbasyon ni Laurence D. Peter na sa isang herarkiya, nagsisikap umasenso ang mga empleado hang-gang sa antas na hindi na nila káya.
pe•tis•yón 1: hiling2 o kahilingan 2: pormal na kahilingang nakasulat, lalo na ang nilagdaan ng pangkat ng mga tao at nananawagan sa may kapangyarihan para sa ilang kadahilanan 3: aplikasyon sa isang hukuman para sa writ, at katulad
petite bourgeoisie (pé•ti búr•zwa•zí) : bahagi ng burgesya na kakaunti ang yaman at mababà ang katayuang panlipunan
petitio principii (pe•tí•syu prín•si•pí) : sa lohika, fallacy sa pangangatwiran na nagdudulot sa paghahaka na iniiwan pansamantala upang masuri pagkaraan.
petri dish (pét•ri dis) : mala-lim, pabilóg, at kristal na lalagyan ng pagkain, may maluwag at lapát na takip sa ibabaw at gilid, ginagamit sa pagkulta ng bakterya at iba pang mga mikroorganismo.
petrifaction (pét•ri•fák•syon) 1: proseso ng pagpapatuyô na nagi-ging matigas na substance ang orga-nikong matter 2: substance o mass na gawâ sa prosesong ito 3: kalaga-yan bunga ng labis na tákot.