petticoat (pé•ti•kówt) 1: palda ng kabataang babae 2: panloob na palda, karaniwang matigas at may pleats o ruffles.
pettifogger (pé•ti•fá•ger) 1: abogado na hindi mahusay sa kaniyang propesyon 2: sinumang hindi mahusay sa kaniyang propes-yon.
petty (pé•ti) 1: hindi maha-laga 2: nagtataglay o nagpapakíta ng makitid na idea, interes, at katulad 3: menór1 4: sa krimen, hindi gaanong mahalaga.
pe•tún•ya : yerba (genus Petunia) na may hugis embudong bulaklak, katutubò sa Timog Amerika at maraming hybrid at cultivar ang ipinasok kamakailan sa Filipinas
pewter (pyú•ter) 1: alinman sa iba’t ibang alloy, na tin ang pangu-nahing sangkap 2: kasangkapang gawâ rito.
pe•yón tú•gaw : patakaran sa larong dáma na hindi na maaaring ibalik ang naisulong na piyesa at magbago ng tíra.
peyote (pi•yó•ti) : maliit na kaktus (Lophophora williamsii) walang tinik kapag tuyo, at mata-tagpuan sa Mexico at Texas.
pfennig (fé•nig) 1: yunit ng pananalapi sa Germany, katumbas ng ikasandaang bahagi ng isang mark 2: baryang may gayong halaga.