-phile (fayl) : pambuo ng pangngalan at pang-uri, nagsasaad ng matinding hilig, hal bibliophile, demophile.
philharmonic (fíl•har•mó•nik) 1: mahilig sa musika 2: hinggil sa mga pangkat o organi-sasyong pangmusika.
-philia (fíl•ya) : pambuo ng pangngalan na nagsasaad ng abnor-mal na pagkahilig sa isang bagay, hal haemophilia, necrophilia.
Philistine (fí•lis•tín) 1: noong panahon ng sinaunang Palestine, kasapi ng hindi semitikong pangkat na sumasalungat sa mga Israelita 2: sa maliit na titik, a tao na materyalistiko at walang halagang artistiko b tao na kulang sa kaalaman o walang kakayahang intelektuwal.
philodendron (fi•lo•dén•dron) : haláman (family Araceae), karaniwang may makinis, makintab, at laging-lungting dahon, at ginagamit bílang pampalamuti.